Alexa

Angel brings Christmas miracle

Graduates of MECO's basic computing class share a light moment following a simple party in Taichung.

Graduates of MECO's basic computing class share a light moment following a simple party in Taichung.

Binuksan niya ang kahon. May laman itong palamuti para sa Christmas tree. Isang maliit na anghel. Hindi sukat akalain ni Lina na iyon ang bubulaga sa kanya. Natagpuan niya ang kahon sa itaas ng aparador habang siya'y naglilinis ng kanyang silid-tulugan. Dahil sa nakita, sumariwang muli ang isang alaala, dalawang taon na ang nakalilipas... (She opened the box. It contained a Christmas ornament. It was a tiny angel. It was the last thing that Lina expected to find. She found the box at the top of a cabinet. She opened it out of curiosity. The little angel brought back memories of years past.)
Nag-aaply noon si Lina patungong Australia bilang isang "chamber maid." Malaking pera ang kakailanganin niya ngunit ipinagpatuloy pa rin niya ito kahit mahirap lang ang pamilya. Nagpasama lang ang paalis ng kaibigang si Rebecca sa ahensiya nito sa Maynila nang mabasa niya sa katabing ahensiya nito na nangangailangan sila ng manggagawa papuntang Australia. (Two years ago, Lina was applying for a job in Australia. It was something that she did not plan. Her friend Rebecca was applying for a job in Taiwan, and she accompanied her friend to the agency. Next to Rebecca's agency, there was a recruitment company that promised to deploy Filipinos to Australia.)
Inayos ni Lina ang mga papeles para maproseso kaagad. Sa lungsod ng Angeles naninirahan si Lina. Dalawang oras mula dito ay makakarating ka ng Maynila kung saan nakatayo ang gusali ng ahensiyang kanyang pinag-aaplayan. Wala siyang malaking hawak na pera. May maliit siyang tindahan sa harapan ng bahay nila. Ito ang pinagkukunan niya ng pamasahe tuwing lumuluwas siya ng Maynila. Pag malaking halaga na ang usapan, hindi na niya alam kung saan niya kukunin iyon. Hindi siya matutulungan ng kanyang mga kamag-anak dahil mga walang-wala rin ang mga ito. Bagkus sa kanya pa humihingi lalo na pag araw ng pasukan. Walang baon at pamasahe ang mga pamangking nag-aaral. (It was an expensive undertaking but Lina was determined to land a job in Australia. She endured the two-hour commute from Angeles to Manila. Her personal savings barely covered her bus fare.)
Tumawag siya kay Rebecca na nasa Taiwan na. Nanghiram siya ng limang libong piso para kanyang medical test. Hindi naman nagdalawang-isip ang kaibigan. "Huwag kang mag-alala. Bukas ay ipapadala ko sa EEC Elite Express para matanggap mo kaagad ang pera," sabi nito. Natanggap ni Lina ang padala ni Rebecca sa tulong ng Elite. Nakapagpa-medical siya at maganda ang resulta nito. Kailangang ma-proseso na ang mga papeles niya para makakuha ng kontrata. Tatlong linggo rin niya itong lalakarin. Sampung libong piso ang hinihingi sa kanya. "Lord, saan po ako kukuha ng ganoong halaga?" sambit niya. Tiningnan niya ang laman ng kanyang pitaka. Eksaktong pang-pamasahe na lamang niya pauwi ang natitira dito. (For her medical test, Lina needed 5,000 pesos. Desperate for help, she turned to Rebecca who was already working in Taiwan at the time. "Don't worry. I will wire the money through EEC Elite Express. You'd get it by tomorrow," Rebecca said. A few days later, the agency asked Lina to pay 10,000 pesos if she wanted to get her documents processed. Again, she turned to Rebecca for help.)
Pagod at hirap, sakit ng katawan at kalam ng sikmura ang laging nararanasan niya sa pag-aaply niyang iyon. Nakakahiya man, humiram siyang muli ng pera kay Rebecca. Sadya yatang mabait ang kaibigan dahil agad nitong sinabing, "Nag-sweldo ako kahapon. Babawasan ko muna ang padala ko sa bahay para mabigyan ka." "Thank God," sambit ni Lina. "Ang bait mo!"
Sa tulong ng Elite, nakarating ang perang padala ni Rebecca. Matapos ang isang Linggo, pinapirma si Lina ng kontrata. Dahil kailangan na siyang ikuha ng visa, kinakailangang ibigay niya ang kalahati ng placement fee. Limampung libong piso. Saan siya hahagilap ng ganoong kalaking halaga? Halos hindi na siya kumakain. Tubig na lamang ang pangtapat niya sa kanyang kumakalam na sikmura. Binabaon pa niya ang tubig mula sa gripo nila dahil mahal ang tubig sa Maynila. Hinahamon niya ang tindi ng sikat ng araw sa tuwing naglalakad siya. Pambili nga lang ng kendi kapos na siya, limampung libong piso pa kaya?
Muli siyang lumapit sa kaibigang si Rebecca. Sa kagustuhang matulungan ang kaibigan, umutang ito sa isang kompanya sa Taiwan. Natanggap ni Lina ang pera, at ito'y kanyang ibinayad sa agency. Sumobra ang pinadala ni Rebecca kung kaya't siya'y namili ng kakailanganing gamit sa Divisoria. (Lina's broker informed her that she had gotten a job in Australia. She however needed to pay 50,000 in placement fee. Her generous friend, Rebecca, lent her the necessary funds.)
Gabi na ng nakarating si Lina sa bahay. Tulog na ang mga kasambahay nito kung kaya't wala siyang mapagkuwentuhan ng sayang kanyang nararamdaman noong mga oras na iyon. Kinabukasan, binuksan niya ang tindahan. Halos wala na pala itong laman. Naubos na niya.
Muli siyang lumuwas ng Maynila. Pagbaba pa lamang niya ng dyip ay agad niyang napansin ang kanyang mga kapwa aplikante sa labas ng ahensiya. Nilapitan siya ng isa at paiyak na sinabing, "Lina, napeke tayo!" Siya, napeke! Parang may bulkang sumabog sa pandinig ni Lina ng mga oras na iyon. Paano nangyari iyon? Pumasok siya sa loob ng opisina ng ahensiya. Wala na itong mga gamit. Napaupo siya sa isang tabi at tuluyan nang napaiyak. "Lord, bakit po?" ang kanyang tanong. "Papaano na ang pamilya ko? Umaasa po silang makakaalis na ako. Papaano ko mababayaran ang mga utang ko? Magpa-Pasko pa naman." (A few days later, Lina returned to the recruitment agency. Even before she had gotten off the jeepney, she already spotted her fellow job applicants gathered outside the agency's office. "Lina, we had been duped!" one of them cried. Lina couldn't believe her ears. How could this be possible? She went inside the agency's office. The place looked deserted. Shocked with her discovery, she sat in one corner and cried. "Why me, Lord?" she asked. "What would I tell my family? How would I repay my debts?")
Tinawagan niya kaagad si Rebecca. Nag-aalala ang kaibigan kung kaya't siya'y tinanong kung ano ang nangyari. "Bek, napeke ako," sabi ni Lina. Wala siyang narinig na sagot sa kabilang linya. Ang kaibigan niya nepeke, paano na ang utang niya? Sinong magbabayad nito? Napaiyak na rin si Rebecca.
Sumapit ang Pasko at wala kang maaaninag na saya sa mukha ni Lina. Sa kanilang hapag-kainan ay may isang plato ng kalamay. Bigay pa ito ng kapitbahay. Lalong tumindi ang sakit na nararamdaman ni Lina. (She rang Rebecca and told her that she had been victimized by an illegal recruiter. The first thought that came into Rebecca's mind was, "She owes me money. How could she pay me back now?" Christmas came, and it was the saddest Christmas in Lina's life. The only thing that she had on the dining table was a plate of rice cake. It was a gift from a neighbor.)
"Lord, ito ba ang bigay mong regalo sa akin ngayong Pasko?" daing ni Lina sa Diyos. Napatingin siya sa Christmas tree at napansin ang munting anghel na doon ay nakasabit. Kanya itong nilapitan... ("Lord, is this my Christmas gift?" she asked. That same moment, Lina saw the little angel on a Christmas tree. She approached it.)
Bigla, nakatakas si Lina sa ala-alang iyon. Namalayan na lamang niyang may luhang namamalisbis sa kanyang pisngi. Malaki pala ang naitulong ng anghel na iyon sa kanya. Hindi siya pinabayaan ng Diyos. Ngayon, pitong buwan nang nagtatrabaho si Lina sa Taiwan. Kasama niya si Rebecca. Lubos ang pasasalamat ni Lina sa Diyos dahil binigyan siya ng isang tunay na kaibigan. Ngayon, sabay na silang nagpapadala sa Elite Express. (As if waking from a dream, Lina stared at the Christmas angel that she found stashed on top of the cabinet. Her eyes were blinded with tears. Yes, those were sad memories. That little angel however reminded her that God would never forsake her. She realized that now. Seven months ago, she found a job in Taiwan. She and Rebecca are now together.)
Pasko na naman. Masayang Pasko para sa magkaibigan. (It's Christmastime once again, and it's a joyous one for the two friends.)


Updated : 2021-01-27 06:32 GMT+08:00