Alexa

Son receives best present in the world

Son receives best present in the world

Binuksan niya ang kahon. May laman itong palamuti para sa Christmas tree. Isang maliit na anghel. Anghel na may kasamang munting Christmas card na may mensaheng nakasulat. "Anak, nais ko, ikaw ang magsabit nito sa ating Christmas tree. Ito'y isang paala-ala na bagama't malayo ako sa piling ninyong magkakapatid, mayroon namang anghel ang Panginoong Hesus na magiging gabay ninyo sa landas ng inyong buhay." (She opened the box. It contained a Christmas tree ornament. It was a tiny angel. A card was attached to it. It said, "My dear child, I want you to hang this in our tree. I may be several miles away from you, but I want you to remember that Jesus has His angels watching over you.")
Ilang Pasko na nga ba ang lumipas na di niya kasama ang kanyang dalawang anak at pamilya? Labindalawang taong singkad na di nagkaroon ng pagkakataon na makapiling ang mahal sa buhay sa araw ng Kapaskuhan. Gustuhin mang magpahinga sa pangingibang bansa ay hindi rin niya nagawa sapagkat pasan niyang mag-isa ang pangangailangan ng pamilya. Nais din niyang maitaguyod ang pag-aaral ng kanyang mga anak bilang paghahanda sa kanilang magandang bukas. Labindalawang taon na ang naging kaakibat sa pagpapaabot at pagpapadama ng kanyang pagmamahal ng kanyang pag-alaala, ng kanyang pag-aaruga, ay ang EEC Elite Express na naging bahagi na ng kanyang buhay sa bansang kanyang kinalalagyan. Sa bawat pera, bawat kahon ng Elite na kanyang ipinapadala ay dama niya ang sulit ng kanyang sakripisyo at pagpapagal para sa kanyang mga anak. (She has been an overseas Filipino worker for 12 long years. She has no choice. Overseas employment is her family's ticket to a better future. Her children need to stay in school. As an OFW, she sends her love to her family through EEC Elite.)
Subalit hindi pala ganoon kasimple ang lahat. Hindi niya akalain na may nabubuong damdamin sa bunso niyang anak. Noong maliit pa ito ay wala siyang nakikitang suliranin tuwing siya'y nagbabakasyon. Masaya ito sa tuwing sila'y magkasama, sa mga pasalubong niya, sa pagmamahal at sa maikling panahon ng kanyang pag-aaruga. (Migration however carries a steep price. She fears that she is "losing" her younger daughter. The child misses her, and she is starting to resent her prolonged separation from home.)
Ngunit sa pag-usad ng mga taon, unti-unti niyang nararamdaman ang panlalamig ng bunso niyang anak. Sa bawat bakasyon, luha at lungkot ang baon niya sa pag-alis. Hindi niya mayakap ang kanyang bunso. Nagkukulong ito sa CR. Tumatakbong papalayo na umiiyak. Uhaw siya sa kalinga ng isang ina at wala siyang kinagisnang ama dahil iniwan sila nito. Tanging ang butihing lolo't lola ang sumubaybay sa kanilang paglaki. Lumakad pa ang mga panahon at naging suliranin at alalahanin siya ng pamilya. Hindi na niya pinakikinggan ang pangaral at paliwanag ng kanyang ina. Dapat sana'y pahinga na ang kanyang ina sa huli nitong kontrata. Itinustos nito ang naipon sa kanyang dalawang kapatid sa pag-aabroad upang sila ang magpatuloy sa pagsuporta sa pangangailangan ng pamilya ngunit ang tadhana'y mapagbiro. Ang mga kapatid niya'y naging biktima ng illegal recruiter. Nalubog siya sa pagkakautang at nalagay sa alanganin ang pag-aaral ng dalawa niyang anak. Siya'y muling nagpasyang mangibang bansa. (The single mom tried to win back her younger daughter. She decided to return home and spend more time with her kids. The money that she made abroad went to her siblings' placement fees. They were going to be the breadwinners for a change. She would finally be able to "retire" from overseas employment. Unfortunately, her siblings were duped by an illegal recruiter. She found herself jobless and saddled with debts. She had no choice. She needed to find work abroad.)
Diyos ang tanging sandigan niya sa mga dagok at problemang dumating sa kanya sa loob ng labindalawang taon. Sa kanyang muling paglisan, punong-puno ng kabigatan ang kanyang puso at samu't saring alalahanin.
Ngayo'y magpa-Pasko na namang muli. Damang-dama niya ang lungkot ng pag-iisa sa kanyang buhay. Naihanda na niya ang isang kahon ng Elite na puno ng pamasko para sa kanyang pamilya. Habang pinagmamasdan niya ito ay iniisip niya kung ano ang damdamin ngayon ng kanyang bunso. Sa tuwing tumatawag siya sa kanyang panganay, ayaw makipag-usap sa kanya ng kanyang bunso. (Christmas has arrived once again. With a heavy heart, the migrant mom started filling her Elite box with presents. Her thoughts drifted back to her estranged daughter.)
Ngunit sa di niya akalain, nakatanggap siya ng regalo na nakalagay sa munting kahon. Mula ito sa Pilipinas. Mula ito sa kanyang bunsong anak. Dali-dali niya itong binuksan. Puno ng kaba ang kanyang dibdib. Ang bumungad sa kanya ay ang maamong mukha ng palamuting anghel na ibinigay niya sa kanyang anak, ilang Pasko na ang nagdaan. (To her surprise, she received a parcel a few days before Christmas. It was a gift from her younger daughter. Inside the parcel, she found a letter.) At sa kahong ito ay may kalakip na isang madamdaming liham:
Minamahal kong Inay,
Kumusta po kayo? Maaga po akong nagpadala ng regalo sapagkat nais kong maging masaya kayo sa araw ng Pasko.
May nais po akong ikuwento sa inyo. Nanggaling po ako sa boarding house ni Ate sa Manila at doon ay nagkausap kami ni Ate. Bago siya pumasok ay may iniwan siyang isang papel sa akin. Basahin ko raw at maganda ang nilalaman. Noong ako'y mapag-isa, binasa ko ang nakasulat. Kuwento ng isang inang bulag ang isang mata at ng kanyang kaisa-isang anak na lalaki.
Ikinahihiya po ng anak sa kanyang mga kaklase at sa ibang tao ang kanyang ina dahil bulag ang isang mata nito. Tuwing pumupunta ang kanyang mga kaibigan sa kanilang tahanan ay pinagtatago niya ang kanyang ina. Siya'y nakatapos sa kanyang pag-aaral at naging isang matagumpay na doktor. Nagkaroon din siya ng sariling pamilya. Iniwan niya ang kanyang ina. Naging pulubi ito na palaboy-laboy sa lansangan. (Her daughter wrote that she had just visited her big sister in Manila. Before leaving her sister's dormitory, the latter handed her a piece of paper. "Read it," she said. She did. It was a short story about a boy who was ashamed of his own mother. His mother was half-blind. To him, his mom was a source of embarrassment. He even asked his poor mother to hide whenever his friends from school visited. Eventually, the boy grew into a successful doctor. He abandoned his mother, and had a family of his own. The poor woman lived on the streets and survived by begging for alms.)
Isang araw ng Kapaskuhan, naglalaro ang kanyang mga anak sa kanilang bakuran. May isang pulubing humingi ng tubig. Binigyan ito ng kanyang anak. Lumapit siya rito upang abutan ng limos. Ngunit sa halip na tanggapin ang limos, may iniabot itong isang liham. Lumakad papalayo sa kanya ang pulubi. (A few days before Christmas, the successful doctor's children met a beggar in their backyard. The old woman asked for a glass of water. After drinking her full, the beggar handed him a letter. She refused his donation.)
Ito ang sinasaad ng liham: 'Pinakamamahal kong anak, alam kong ikinahiya mo ako at tinalikdan dahil sa pagiging bulag ng aking isang mata.
Ngunit dahil sa pagmamahal ko sa iyo, noong naaksidente ka noong ikaw ay maliit, ipinagkaloob ko sa iyo ang aking isang mata. Nais kong huwag kang mahirapan. Gusto kong lubos mong makita ang kagandahan ng mundo. Nagmamahal, Inay.' (In her letter, the beggar revealed that she was his mom. "I knew that you were ashamed of me because of my condition. You had an accident when you were little, and you nearly lost the function of one eye. I decided to give up one of my eyes so that you could see the world in all its glory. I want you to have a full and wonderful life.")
Inay, ang kuwentong ito ang nagmulat sa akin upang maunawaan ko kung gaano nyo kami kamahal ni Ate. Hindi ko man kayo ikinahihiya bilang aking ina, alam kong nasugatan ko at naging pabigat ako sa inyong damdamin. Hindi ko naisip ang mga kalungkutan, paghihirap, pagtitiis at pagsasakripisyo ninyo sa akin at kay Ate para lang madulutan kami ng aming mga pangangailangan at maihanda ang magandang bukas para sa amin. Alam ko Inay na may nakalaang panahon ang Panginoon upang isang araw, ay makapiling ka namin sa araw ng Kapaskuhan at darating ang sandali na di na tayo magkakahiwalay. Ibinalik ko sa iyo ang anghel na regalo mo sa akin dahil sabi ko sa Panginoon higit mong kailangan ang gabay ng Kanyang mga anghel dahil malayo ka sa amin. Ang anghel na iyan ay may kalakip na panalangin na patuloy kang ingatan at pagpalain ng Panginoon. Kalakip na rin po ang aking pasasalamat at taus-pusong pagmamahal. Ikaw Inay ang anghel ng aking buhay. Patawad Inay." (Mom, I am returning the angel that you gave me so many years ago. This is my gift to you. You need my angel more than I do. This little angel carries my love and prayer. I pray that our almighty Father will bless, protect and guide you always. You, mom, are my angel. Please forgive me.")
Hindi na niya napigilan ang pagdaloy ng luha ng kaligayahan. "Salamat po Diyos ko sa napakagandang regalo na ipinagkaloob Ninyo sa akin." Muli niyang pinagmasdan ang kahon ng Elite at siya'y napangiti. Lubos na ang kanyang kaligayahan sa pagpapadala nito sa Pilipinas.


Updated : 2021-04-11 12:24 GMT+08:00