Alexa
  • Directory of Taiwan

Poet of the Week

Tanging Sinta

Poet of the Week

Sa aking paglisan, nagbakasakaling
ika'y makalimutan
Ngunit ng ako'y mapalayo, lalong
nanibugho aking bigong puso
Walang oras na lumipas, ika'y laman ng
isipan
Ano bang meron ka't ako'y tuwina'y
binabagabag?
Di makalimutan, mga panahong ating
pinagsaluhan
Lalo na ang mga katagang binigkas ng
iyong matamis na dila
Subalit iyon pala'y sinabi, upang ako'y
magtiwala
At linlangin ng iyong
mapanuksong diwa.
Sa dalawang taong pangingibang bayan,
ikaw pa rin ang sinisinta
Laman ka pa rin ng aking puso't diwa
sa tuwina
Subalit ano kayang naghihintay sa
ating muling pagkikita
Sa nalalapit kong pagbabalik sa bansang
inabandona.
Masakit mang tanggapin, ako'y
patuloy na umaasa
Sana'y masilayan kang muli kahit iba
na ang nagmamay-ari
Malaman ko lamang na ika'y maligaya
Kahit di sa aking piling ako'y lubos
na sasaya.
Sana ay iyong mabatid, taos-pusong
pagmamahal
Na kahit kailan di naghintay ng
anumang kapalit
Hangad ko'y iyong laging kapayapaan
Kahit anong dusa, nawa'y di
maramdaman.
Send your poems and ID-sized photo to Kabayan c/o Taiwan News, No. 88, 7F, Xinyi Rd., Sec. 2, Taipei City 10641. You may also e-mail us at mariekabayan@yahoo.com. We will only be printing original and unpublished poems.